Nasaan na ang pagtataya?
Lunchbreak ko kahapon ng 12pm. Pumunta ako sa rummage sale ng Gabay sa may Kostka Extension dala dala ang pagkain ko para magbantay ng booth doon. Nadatnan ko si Ate Mutie na nag-iisa doon. Hindi pa raw siya kumakain kaya naman nung dumating ako, umalis siya sandali para kumain.
Kanina, lunchbreak ko (na naman) ng 12:30. Diretso ako sa Rummage booth na dala dala na ulit ang pagkain ko para magbantay ulit. Nakita ko na naman si Ate Mutie dun na mag-isa lang at walang kasama.
Tinanong ko sa kanya, nasan na yung mga FOCs nya na dapat
Nakakainis nga naman isipin na nagpapakahirap at nagpapakapagod ka sa isang proyekto (kahit kaw pa head nun) nang ikaw lang mag-isa at hindi tinutulungan ng mga ka-org mo. Hindi mo naman project yun mag-isa..project yun ng buong organisasyon… okay, para straight to the point na, project yun ng buong GABAY.
Sabi ni Ate Mutie, hindi raw nakabuti at isang pagpapakita nga nga departmentalisasyon sa Gabay ang pagkakaroon ng mga FOCs, POLOs, TAGs at SEC-Cs. Tama nga naman…iisipin na lang ng mga miyembro na “bakit pa ako tutulong, eh meron naman talaga syang mga FOCs na dapat sana katulong nya talaga?!”. Ang masasabi ko lang, bakit hindi ka rin ba Gabayano? Hindi ba’t tinawag nga itong Ateneo Gabay Rummage Sale dahil proyekto ito ng buong organisasyon?
Mas nakasasama pa sa loob ni Ate Mutie (at sa akin na rin) ang mga taong:
- umiiwas dumaan sa Kostka Extension dahil ayaw nilang tumulong.
- mga taong tumatambay sa GR (na wala naman talagang importanteng gagawin) pero ayaw magbantay sa booth at bigla na lang nagsasabing may gagawin sila pag humingi na si Ate Mutie ng tulong.
Sabi nga ni Ate Mutie, nung first year siya hindi naman ganito ang Gabay. Noon, exciting lahat ng GAs, masipag mag-erya ang lahat, wala pang mga FOCs, TAGs, POLOs at SEC-Cs noon at magaling na organisasyon ang Gabay.
Ngayon, nasan na ang pagtataya?
Haay, nasan na ba talaga ang pagtataya?
0 comments:
Post a Comment