Hindi talaga ako playing safe na tao. Ok lang sa akin ang madapa. OK lang sa akin ang masaktan. Minsan nga para akong timang dahil isinusubo ko pa ang sarili ko sa gulo. Alam ko na ngang ako rin ang talo sa huli pero ayun, sige pa rin. Hindi rin ako mangingiming sumugal sa mga bagay-bagay. Gusto ko rin ata ng mga challenges. Gusto ko ng excitement.
Pero nagbago na ata ako ngayon. Nagbago na nga ba ng tuluyan? O nagbago lang pagdating sa isang bagay? Ay ewan. Basta ang alam ko, ayoko nang masaktan pa ulit sa mga lalaking yan. Ewan ko nga ba. Never pa naman akong nagkaboyfriend pero parang feeling ko, naexperience ko na lahat ng kasawian sa pag-ibig. Tsk tsk. Malamang nabasa mo na ang yung mga naunang entries. Pero hindi ko pa ata nasulat dun lahat. May mga kelangan kasing protektahan na mga tao…
Anyway, nasan na nga ba ako? Ayun, ayoko na atang magkagusto pa sa isang tao. Ang malas ko ata dahil parating may iba nang gusto yung mga nagugustuhan ko. Karaniwan pa kakilala o kaibigan ko pa. Tsk tsk. Kaya nga sabi ko dun sa isa kong kaibigan, nagbago na ako ngayon eh. Sa halip na puso ang pairalin, dapat isip. Kung alam mong may ibang gusto, kalimutan mo na lang. Masasaktan ka lang. O mahihirapan ka lang. Dapat hanggang maaga, pigilan mo na yung nararamdaman mo hangga’t kaya mo pa. Sabi ko nga dati, dapat gamitin ang isip paminsan-minsan..,hindi puro puso.
Haay..ang problema nag lang…ang daling sabihin, ang hirap-hirap gawin.
4 years ago
0 comments:
Post a Comment