Tuesday, April 10, 2007

HS reunion?

namatay yung teacher namin sa HS last week..stroke ata.. So dumalaw kami sa burol nung sunday ng gabi. Nakakatuwa at nakakatawa dahil nagmistulang reunion lang yun ng section namin. hahaha. I mean maraming pumunta talaga. Nakita ko ulit lalo na yung ibang madalang magparamdam. At ang ingay namin!!! Nainis nga ata yung ibang kamag-anak ng namatay dahil ang ingay talaga namin. hahaha. Well, marami na kasing bagong balita at maraming updates ang dapat gawin. Ayun.. hahahaha. Ang ingay talaga! Nakakatuwa kasi kahit ang tagal na nung huli naming pagkikita, andun pa rin talaga yung friendship naming lahat. Andun pa rin yung closeness naming lahat..parang HS ulit. :) Mas nakakatuwa pa dahil hindi lang yung section namin ang parang nag-reunion. Actually, parang Alumni Homecoming kasi pati yung ibang batchmates namin andun saka yung mga alumni. hahaha

pero sobrang natuwa talaga ako kasi andun yung barkada ko nung HS at namiss ko sila... pero sayang kasi hindi kami kumpleto pero ok na rin. 9 kasi kami sa barkada. (actually, we don't call our clique "barkada", we call ourselves as "friends"). Ayun, 6 girls and 3 gays. :) Yup, 3 gays. kaya may pagkabading din ako minsan (o parati? :) haha). Ayun, ang saya! nag-overnight pa kami sa bahay ni Christel. halos walang tulog. :) todo kulitan at kuwentuhan. (pero 5 lang kami nun, 3 girls at 2 gays). Haaaay... i so love my gay friends! :) Todo kuwento sila about their boys. actually, yun yung pinagkuwentuhan namin all night. hahaha. I love them kasi sobrang naiintindihan nila ako..(lalo na what i am going through now.. ). Namiss ko talaga sila! lalo na't sobrang dalang na lang naming mag-usap .. :(

Ayun, so what's new with them? ayun, yung isa naming friend, si Len, nagbreak na sila nung BF niya (mga 1 year naging sila pero yung love story nila ay mula pa 1st yr HS). 1st bf nya yun at sobrang inakala naming lahat na sila na forever.. haaay, kahit pala talaga yung mga taong akala mo na "sila na", pwede pang magbreak.. grabe talaga..

Yung isa, si Lyca, going strong pa rin sila ng bf nya. Medyo long distance relationship yun kasi yung guy sa Bataan nag-aaral na maging seaman. Ngayon naman, aalis na yung barko..parang training naman nila sa ship mismo so long distance relationship na naman..haay.. pero bilib talaga ako sa kanila ah... kasal na ata next. :)

Yung isa kong friend, parang MU sila ng bestfriend niya..pero recently nagdecide silang maging bestfriends na lang talaga... haay.. mga bestfriends nga naman, nagkakadevelopan.

Si suzette naman, happy din with her BF. ayun, nung HS pa siya niligawan nun pero hindi naging sila nun. Last year lang naging sila. Grabe, parang closefriends lang talaga sila before.. hingahan nila ng sama na loob ang isa't isa...tapos ayun.. sila na ngayon.

Yung mga gay friends ko naman..ayun, gay pa rin. hahaha. marami silang boylets.. mukha naman silang happy kaya happy din ako syempre for them. haha. Si kenneth, yung gay kong friend, nagalit siya sa akin dati dahil sa isang lalaki. inagawan ko daw siya. haha

*******to be continued..................

3 comments:

Cel said...

kaya may pagkabading din ako minsan (o parati? :) --> parati, jo. hahaha!

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Mangekyou Sharingan said...

hahaha :D go go go!

Related Posts with Thumbnails