Ano ba ang nararamdaman ko ngayon? Halu-halo na ata. May ube, leche flan, saging, sorbetes at kung anu-ano pa. :)
Masaya ako dahil matatapos na ang linggong ito. Ang tagal ko yatang hinintay na matapos ‘to…hindi sa dahilang alam kong merong mangyayari na maganda sa susunod na linggo…ni hindi ko nga alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito pero sana naman maganda ang kalalabasan ng lahat ng ginawa ko. Kung tutuusin, parang sugal ang buhay. Gumagawa ka ng desisyon na hindi mo naman alam ang kahahantungan…pero nagpapasya ka pa rin. Umaasa ka na lang na tama ang desisyon mo sa bagay na iyon. Kung oo, eh di mabuti. Kung hindi, dapat pa ring panindigan.
Nakakalungkot lang siguro na may mga bagay kang dapat bitiwan. Minsan kasi puno na ang kamay mo na hindi mo na kayang kumuha pa ng mas marami. Siguro nga minsan pagmamalabis na rin. Gusto mo ng mas marami pa pero hindi sapat ang rasyon. Minsan naman kailangan talagang pumili.
Dumaan ako sa Gesu nung isang araw. Hindi dahil doon talaga ang patutunguhan ko, kundi dahil napadaan lang talaga ako. Pupunta kasi ako sa Bel Field. Ibabahagi ko na lang ang isang bahagi ng panalangin ko:
(ang mga nakalagay sa ibaba ay dapat hindi ko na ilalagay...pero nagdecide akong ilagay na rin.. huling hirit na naman aeh.. :)Hi Lord, sorry ngayon lang ako dumaan. Ang tagal na ata ng huli kong dalaw.
Ang hirap nitong nakaraang mga Linggo. Pero alam kong wala naman akong karapatang magrekalamo. Wala akong karapatang kuwestyunin ka o magtanong kung bakit… dahil nung maraming magandang nangyayari, ni hindi ko rin naman tinanong kung bakit… Haay, masyado na ata akong nasasaktan. Parang pault-ulit na lang ang lahat na hindi ko na kaya. Hindi naman ganito dati. Mas ok nun nung hindi ko pa **** ****. Ngayon kasi mas komplikado ang lahat. Hindi ko naman **** pwedeng sisihin dahil sa totoo lang, wala naman ****** ginawang masama. Nagkataon lang na higit pa ang inaasahan ko sa naibibigay. Kaya siguro mas mabuti na ganito na lang…
Lord
0 comments:
Post a Comment