Sunday, February 4, 2007

ewan

Haay, nainis talaga ako nung friday ah… Sa totoo lang, hindi naman talaga ako madaling magalit/mainis..hindi sa pagmamayabang pero understanding talaga ako.. J lalo na sa malalaking issues/arguments/conflicts etc. I try to see both sides of the coin.

Nakakatawang isipin pero minsan mas umiinit ang ulo/nababadtrip/naiinis ako sa mga maliliit na bagay..pero kung tutuusin, hindi rin naman maliliit na bagay lang yun. Siguro minsan nagpapatong-patong na rin..dahil karaniwan, hindi ko na pinapansin yung mga maliliit na bagay, hinahayaan ko na lang. Pagkikimkim ba yun? Hindi. Pero nakakainis na siguro talaga pag paulit-ulit nang nangyayari.

Isa na talaga sa pinakaiinisan ko (seryoso) kapag di natutupad yung plano/lakad/balak lalo pa’t I’m looking forward to it at may mga bagay na pinagpapalit/pinagpapaliban na importante rin naman.

Nakakainis din kapag may mga taong hindi nakakaappreciate sa’yo kahit na ang dami mo nang ginawa..pero parang walang halaga pa rin.

Haay, ewan.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails